TOTOY DAYS

(c) sa kung sinumang taong nagmamay-ari ng image sa taas. Isa kang tunay na alamat.

Paano nga ba ako naging author? Well, madalas na kasi talaga akong nagsusulat kahit nung bata pa lamang ako. Naalala ko pa nung sa bond paper pa ako nagsusulat gamit ‘yung HBW na ballpen habang nakatapat sa electric fan para magpalamig. Mga one-shots lang madalas ang ginagawa ko, at para maging libro talaga siya kunwari; iniistapler ko pa ‘yung bawat pahina ng libro at dinadaan na lang sa magandang calligraphy ang front page.

Tuwing natatapos ko ang isang katha, pinapabasa ko ‘yun sa lola ko para malaman kung may impact ba sa reader. At dahil apo niya ako, siyempre puro papuri kaya kahit papa’no tumataas ang ego ko bilang writer.

Naalala ko rin nung nagkaroon ng laptop ang tatay ko. Hinihiram ko pa talaga ‘yung Acer niya para maranasang makapagsulat sa Word Doc. Tuwing magtatanong naman si tatay kung pwede niyang basahin, lagi akong umaayaw.Nahihiya kasi ako dahil puro cheesy love story pa lang ang mga naiisip ko n’un at madalas e fantasy pa ang genre.

Habang lumalaki na ‘ko, nawawalan na ako ng ganang magsulat. Mas naging active reader na lang ako, at dahil na rin sa napunta na sa anime ang atensyon ko e nakaligtaan ko ng gumawa ng mga storya.

Pero nung nakatungtong na ako ng High School, may isa akong kaklase na best friend ko na ngayon ang nagbago ng lahat. Kilig na kilig daw siya sa libro na “Diary ng Panget” dahil relatable daw at ang shunga daw ng bida na nakakatuwa. Sa Wattpad daw makikita ‘yun, pero pinublish na rin daw sa bookstore.

Nung una inisnob ko na siya dahil nabaduyan ako sa title. (SMH). But as the days wear on, nadala na ako ng curiosity. Tinanong ko si nanay kung pwede ba siyang bumili nun kung sakaling makadaan siya ng SM. Then one day, nagkalagnat ako. Nung una nga akala ni nanay nagpapanggap lang akong masakit ang ulo ko para umabsent, pero sa huli pinayagan na niya akong hindi pumasok.

Nakahilata ako sa kama nun at nakatunganga sa kisame, nung biglang may hinagis si nanay sa dibdib ko.

‘Yung libro na Diary ng Panget.

diary_ng_panget_by_chishibekapuretto-d60vhc4.jpg
(c) Book cover of The DNP series | Author: Ate Denny/HaveYouSeenThisGirL

Eksaysted kong binuksan ang libro na nakabalot pa sa plastik. First time ko rin magbasa ng Tagalog story, kaya ninamnam ko talaga ang bawat words sa mga pahina. (Siyempre nag-thank-you muna ako bago ko inindulge ang book) Nung nangangalahati na ako sa novel, may napansin ako sa front cover.

Over 14m + reads daw sa Wattpad.

Pangalawang beses ko ng napakinggan ang site na ‘yan. Since may internet naman kami, chineck ko ‘yung Wattpad.

Bumungad sa’kin ‘yung mga stories ng iba’t-ibang author. Nung nakita ko ‘yung “create”, parang nabuhayan ako ng loob. Sinubukan kong gumawa. Pero nagtaka ako kung bakit parang wala namang nagbabasa?

Tapos nalaman kong normal na mga teenagers na tulad ko rin ang gumagamit ng Wattpad.

I started from scratch, puro random stories lang ang ginagawa ko hanggang sa ‘di ko namalayan na nawiwili na pala ako. Bumalik na ang enthusiasm ko sa literature. Kahit na sabaw minsan ang iba kong stories.

Na-enjoy ko din ang DNP. Talagang sinubaybayan ko pa ang release date nito sa National. (Since pinupublish pa lang ang libro nung panahong ‘yun), kumukuha ako ng inspiration mula sa libro niya.

Kaya looking back from now, kung hindi ko kinulit si nanay na bumili ng DNP, baka hindi ako naging Wattpad author. Kung nagpadala ako sa pagiging judgemental kong utak, ‘di sana hindi ko natuklasan ang site na Wattpad.

Sabaw kung tutuusin ang journey ko, dahil tutunganga lang ako, tapos after a few minutes biglaan akong nagkakaron ng plot na dinidiretso ko sa Word Doc. Sulat lang ako ng sulat, kahit may readers man o wala. Hanggang sa hindi ko napapansin na unti-unti na pala akong sumisikat.

diary_ng_panget_by_chishibekapuretto-d60vhc4.jpg
Ate Denny/HaveYouSeenThisGirL ^.^

 Thank you Ate Denny! Dahil sa’yo mas naging dedicated ako sa hobby ko. Sana balang araw makita kita ng personal para mapasalamatan kita.

Para naman sa mga readers ko, kahit may fans man kayo o wala, sana hindi kayo magsawa na pumulot ng libro at maligaw sa imahinasyon ng may katha. Marami pa kayong mararating kaya huwag kayong mawawalan ng pag-asa.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s